Monday, July 4, 2011

Myself in You [07]

Weird. Di ko talaga magets kung bakit sinabi ni Lance yun. People just don't really take the time to know me. Eh? What did he mean by that? Weird.

Hanggang pag-uwi ko ng bahay iniisip ko pa rin yun. Ewan ko ba. Nag-offer pala si Lance na ihatid ako sa bahay since medyo madilim na nung natapos ako magdrawing. Pero I turned him down kasi out of the way yung bahay namin sa way nya pauwi. Nakakahiya naman sa kanya. Meeeh.

The next day was the same as usual. Medyo nasasanay na din ako sa environment ng section one. Mababait naman pala sila, matino din kausap at may sense of humor. In short magaan kasama. Except dun sa grupo ni Jessica na di ko alam kung anong trip sa buhay. Tss.

Filipino time and super bored na ko. El Fili na kasi yung dini-discuss, eh nung last year pag Noli na yung subject nagdadaldalan lang kami nina Jackie. Ewan ko nga kung pano kami nakapasa nun. At mas lalong di ko pa rin maintindihan kung pano at bakit ako napunta dito sa section one.

Bored ka na no? Oo nga pala, katabi ko nga pala tong si 'crack-up'. Baka pwede na tong pagtyagaan.

Super duper bored. Sagot ko naman at napatingin ako dun sa ginagawa nya. Hilig nya yata talaga magdrawing kasi kahapon nagddrawing din sya. Anime. Pero yung ngayon, di ko masyadong makita.

Gusto mo mawala yung boredom mo?

Pano? Tinigil nya yung pagddrawing tapos tumingin sakin.

May joke ako.

Ano yun?

Inaayos nya yung mukha nya tapos huminga ng malalim. JOKE LANG! Sabi nya with peace sign at todo ngiti pa. Ang corny pero di ko napigilang hindi matawa. Para kasing sira!

Ang korni mo! Sabi ko habang tumatawa. Pangiti-ngiti lang din sya nun saka nya tinuloy yung pagddrawing nya.

Atleast natawa ka naman. Mission complete na.

Anong mission complete?

Wala! Sabi ko ang pogi ko.

HAHAHAHA! Joke din ba yun?

Tss. Totoo yun noh! Di yun joke. Humarap ulit sya sakin tapos nagpose na parang batang sasali sa Mr. Pogi. Tama naman diba? Kumindat pa ang loko sabay ngiti.

Hindi rin. Sagot ko tapos bigla nalang syang nagpout na parang kawawa. Ang cute! Ay! Joke lang! Cute. Parang aso. Yun yung ibig kong sabihin! Ano ba yang dinodrawing mo?

Ito? Tinuro nya yung sketchpad nya tapos bigla na lang syang ngumisi. Secret. Tinuloy na nya yung pagddrawing nya at dahil natural akong usisera, sinilip ko pa rin yung ginagawa nya.

Patingin na kasi.

Wag kang makulit. Mamaya mo na tignan para surprise. Dipa tapos eh. Tinakpan nya yung sketchpad pero pilit ko pa din kinuha sa kanya. Nag-agawan kami hanggang sa may isang kamay na parehong hindi amin yung kumuha nun kaya napatigil kami pareho.

Ohemgee. Si Sir. Anong ibig sabihin nito? Sabi ni Sir Bautista habang tinitignan yung sketch ni Lance. Inayos pa nya salamin nya nun at nagulat na lang ako nung biglang nanliit yung mata nya. Kayong dalawa! Labas!

**


Ikaw kasi eh!

Andito kami ngayon ni Lance sa 7th floor. Nakaupo sya dun sa may terrace habang ako naman eh nakasalampak sa floor.

Bakit ako? Ikaw kaya yung nagsimulang mang-agaw.

Eh kung pinakita mo sakin edi sana di ko inagaw. Di na sana tayo nahuli at pinalabas ni Sir. Grabe. Kung kelan ako napunta sa top section saka naman ako napalabas ng classroom, samantalang nung nasa section three ako never pa kong napalabas.

Ano ba kasi yung drinowing mo at halos mamula sa galit si sir? Tanong ko at bigla na lang syang tumawa ng malakas. Napatulala ako sa kanya kasi antagal nyang tawa ng tawa. Parang wala ng bukas. Will I get to hear the joke? Tumayo ako nun at lumapit sa kanya.

Mamaya. Papakita ko sayo. Tawa pa rin sya ng tawa nun. Ano kaya yung dinrowing nya?

Buti sana kung andun pa yun sa sketchpad mo pag balik natin. Sa itsura ni Sir kanina, malamang diretso basurahan yon. Bigla na lang syang napatigil ng tawa at tumingin sakin.

Oo nga no. Hmm. Nagbuntong hininga sya at di na nagsalita. Nakatingin lang sya sa malayo. Mukhang pati utak nya nasa malayo din.

Ugr. Ang tahimik. Di ko kaya.

May tatanong ako.

Ano yun? Sabi nya pero sa malayo pa rin sya nakatingin.

Naalala ko lang kasi yung sinabi mo nung nasa soccer field tayo. Sabi mo, di lang talaga nagbibigay ng 'time' yung mga tao para kilalanin ka. Ang..weird lang. Napatingin sya sakin at di ko alam kung ano yung ibig sabihin ng reaction nya kaya nag-explain agad ako. I mean, bakit mo naman nasabi yun? Nagsigh lang sya pero di nagsalita. Ok lang naman kung ayaw mong-

Wala lang kasi talaga kong kaibigan.

Ha? Imposible. Nag-isip ako at dun ko narealize na..wala nga syang nakakasama palagi dito sa school. Kung ako may Denise at Jackie, sya naman.. Eh diba girlfriend mo si Jessica? I think you can count her as a friend din naman diba?



Tumingin sakin si Lance nun ng napakatagal. Sa sobrang tagal kala ko nagkacrush na sya sakin naghang na sya. Nagulat na lang ako nung bigla syang tumawa ng malakas. Abnormal talaga. Tatahimik tapos bigla biglang tatawa. May sapak siguro to sa utak. O kaya may rabies sa utak.

Ano na namang nakakatawa?!?

Ikaw! Tawa ulit.

Bakit ako?!

Kung anu-ano kasi pinagsasabi mo dyan. Tawa pa rin sya nang tawa nun. Nakakainis. Konti na lang itutulak ko na to sa kinauupuan nya. San mo ba napulot yung balitang girlfriend ko si Jess?

Sa..inyong dalawa. Eh kasi naman! Nung first day ata yun, sabi nya sakin, Lance is mine. Ginaya ko pa yung way ng pagkakasabi ni Jessica nun kaya lalong tumawa si Lance. Pwede ko na ba sya itulak? Once lang oh! Saka diba, niyaya mo pa nga syang sumabay sayo kumain nun eh.

Di ko girlfriend si Jess. Ganun lang talaga yun umasta pero di ko sya girlfriend.

Ah. Eh sino palang girlfriend mo?? Ewan ko kung bakit ko yun natanong. Siguro curious lang ako. Yun lang yon wag kayong maano!

Bumaba na si Lance sa terrace pero sa malayo na sya ulit nakatingin. Wala ako nun.

Weeeh. Pwede naman umamin eh. Don't worry, secret lang natin.

Wala nga sabi eh. Bat ba ang kulit mo? Siguro gusto mong maging girlfriend ko no?

Hoy! Asa ka noh! Pinalo ko pa sya ng malakas nun. Buti na lang wala na sya sa terrace dahil kung hindi, baka nahulog na sya ngayon. Curious lang ako kaya ko tinatanong. Alam mo na. Para masabi ko naman kina Den at Jackie kung may pag-asa pa sila.

Tss. Kunwari pa. Bulong nya pero narinig ko pa din. Di ko na lang pinansin para di na humaba yung usapan. Para malaman mo, wala akong girlfriend at di pa rin nagkakaron. Lalong lalo na, wala akong balak magkaron. Sabi nya sabay alis kaya sinundan ko naman sya. Mahirap na maiwan dito mag-isa no.

Wala kang balak magkagirlfriend? Bakit naman?

Ayoko lang.

Di mo rin masasabi yan. Pano pag biglang dumating yung The One for you? Ano yun hahayaan mo lang sya? Ok. Alam ko ang korni na ng mga sinasabi ko, pero pag bigyan nyo na ko. Once lang to oh!

Bakit kaya ba nyang maghintay hanggang sa next life?

Ha? Bat naman sya maghihintay hanggang sa next life? Mamamatay ka na ba? Di ko napansin na huminto pala si Lance sa gitna ng stairs kaya nabunggo yung noo ko sa likod nya.

Aray naman. Hawak ko pa yung noo ko nun nang mapansin ko na nagclosed fist yung right hand ni Lance. Uh-oh. Ang rude naman kasi nung sinabi ko. Uy Lance. Joke lang yung last kong sinabi ah.

Hinintay kong magrelax yung kamay nya bago ko nagsalita ulit. Kaso nagsigh sya bigla at humarap sakin. Bakit, sa tingin mo ba mamamatay na talaga ko?

H-hind-i. Nabulol pa ko nung sumagot ako. Eh kasi naman yung mata nya, galit na parang malungkot na ewan. Ang lakas lakas mo eh. Pano ka naman mamamatay agad diba? Tinapik-tapik ko pa yung balikat nya nun at ngumiti para mabawasan yung tension ng situation. Okay. Rhyme.

Buti alam mo. Sabi nya tapos ngumiti na sya at ginulo yung buhok ko. Takot ka no? Hahaha! Tumalikod sya at naglakad na ulit pababa. Grabe. Ang lakas magjoke ng taong to!

Muka mo natakot!

Weeeh. Pwede naman umamin eh. Don't worry, secret lang natin. Hahaha! Teka, linya ko yun aah!

Gaya gaya! Sabi ko tapos sinundan ko na ulit sya. San ba tayo pupunta oy?

Ako pupunta ng canteen, ikaw ewan ko kung san ka pupunta. Nakatawa na naman sya habang sinasabi yun. Kung sabagay, break time na din pala after ng Filipino.

Dun din. Gutom na ko eh. Saka, mag-elevator na tayo para mabilis.

Baliw ka ba? Kaninang umakyat tayo di tayo nag-elevator kasi nga sira. Tapos ngayong pababa nag-iinarte ka dyan.

Ay! Oo nga no? Bat di ko naisip yun. Ang engs ko naman. Di ako baliw no! Sabi ko tapos inunahan ko sya sa pagbaba sa hagdan. Tumawa lang naman sya ng malakas at nang-asar hanggang sa makarating kami sa canteen.

Wala pang masyadong tao sa canteen nun kasi 10mins pa bago magbell. Kumuha na ko ng tray at umorder ng lasagna bago ko narealize na wala pala kong dalang pera. Bwenas!

Oh. Bat napatigil ka dyan?

Eh kasi. Di ko pala dala yung wallet ko. Nasa room.

Tss. Ako na nga. Sabi nya sabay kuha ng pera sa bulsa nya.

Bakit nasa bulsa lang pera mo? Baka mawala yan. Dapat magwallet ka.

Para ano? Para makalimutan ko din? Binayaran na nya yung order namin at umupo sa pinakamalapit na table.

Yabang nito. Wag kang mag-alala. Babayaran kita no.

Wag na..


Ha?



..wag na wag mong kalimutang magbayad sakin. Mahirap na buhay ngayon! HAHAHA!