Tuesday, June 21, 2011

Myself in You [06]

After our last subject, lumabas na agad si Lance ng classroom without even looking at me. Baka nga joke lang yung sinabi nya kaninang lunch, yung about sa Art assignment namin na muntik ko na makalimutan. Ang engs ko lang talaga.

So anyway, inayos ko na lang muna yung locker ko na nasa backside ng room. The perks of being section one. Merong sariling locker ang bawat student. Samantalang nung nasa section3 ako, nagpapakahirap ako dalhin everyday yung mga libro ko. Tss.

Stalker, what's taking you so long?! Nagulat ako nung may biglang sumigaw at pag tingin ko, si Lance lang pala. Teka,

Akala ko umuwi ka na? Ano pang ginagawa mo dito?

Bat naman ako uuwi? Diba sabi ko sayo gagawin natin sa soccer field yung art assignment natin? Engot ka ba? Sabi nya sabay ayos nung cap nya. Naka black shirt sya ulit at yung white uniform nya eh ewan ko kung nasan na. Baka sinalaksak nalang sa bag nya ng basta-basta.

Oy di ako engs noh! Tsaka, bakit ba sa soccer field pa? Dito na lang kaya! Sabi ko naman tapos sinara ko na yung locker ko pero di pa rin ako lumapit sa kanya.

Gusto ko dun eh. Wag kana makulit sumunod kana lang. Ngumiti lang sya nun tapos naglakad na palayo. Argh. Di man lang ako hinintay.

Almost 10mins din siguro ako naglakad bago nakarating sa soccer field. At pinaghanap pa talaga ko nung kumag na yun kung nasan na sya. Sa laki ng field, mejo sinwerte pa din ako ng makita ko syang nakaupo at nakasandal dun sa may puno.

Grabe ka. Pinahirapan mo pa kong maghanap. Dapat kasi nagsabay nalang tayong pumunta eh! Nilapag ko yung bag ko tsaka ako umupo. Sya naman eh parang walang narinig dun sa sinabi ko kasi tutok na tutok sya dun sa nagppractice ng soccer.

Beat. Fake. Clear Paulit-ulit yung bulong ni Lance habang nanonood. Di ko naman magets kung ano yung sinasabi nya. Cross...Breakaway!

What are you saying? Nagulat naman sya nung nagsalita ako. Tinignan nya ko saglit pero balik ulit dun sa pinapanood nya.

Andyan ka na pala. Kanina ka pa ba?

Yeah like..15mins ago. Pinakita ko pa sa kanya yung red wristwatch ko.

Eh bat di ka nagsasalita?

I tried talking to you but you seemed so absorbed with watching them play that's why I didn't push the topic anymore.

Tumingin sya sakin na parang ngayon lang nya ko nakita. Wow. English yun ah. Ngumiti na naman sya ng nakakaloko nun. Gusto ko sana syang batuhin kaso wala naman akong makitang pwedeng ibato. Ayoko naman magbunot ng damo at ihagis sa kanya. Kawawa naman yung damo pag ganon.

Ewan ko sayo! Let's start na nga. Sabi ko sabay kuha ng gamit sa bag. Nilabas ko yung pencil ko pati bond paper. Pag harap ko kay Lance, nakangiti na sya na parang bata. Labas ngipin - pati gilagid. HAHAHAHA! Sigurado kang ganyan ang gusto mong idrawing ko sayo?

Baket panget ba? Sabi nya pero ganun pa rin yung itsura nya. Lalo tuloy akong natawa.

Hindi naman. Ang cute nga eh. O-kay. Sinabi ko ba talaga yun? Si Lance naman biglang sinara yung bibig nya at ngumiti, yung natural na ngiti.

Alam ko. I rolled my eyes with what he said. Sabi ko na nga ba crush mo ko eh. Ay. Antaas talaga ng self-confidence ng taong to.

Feeling. I mumbled. Ngumisi lang sya nun at nagstart na ko magdrawing. Ang awkward lang kasi kelangan kong tumingin sa kanya ng maraming beses at sa tuwing gagawin ko yun, feel na feel naman nya.

Nagpakabusy nalang ako sa pagdrawing at sya naman eh walang ginawa kundi tumingin lang sakin.

Bat nakatingin ka lang? Bat di ka magdrawing? Sabi ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

Ayoko eh. Di ko pa feel. Sus. Daming arte. Bala ka dyan. Mamaya nalang siguro sa bahay.

What? Don't tell me may balak ka pang dalhin ako sa inyo para idrawing!

Tss. Asa ka naman noh. Besides, kinakabisado ko na yung mukha mo kaya no need.

Srsly. Kinakabisado nya? Kahiya. -_-

Wag ka ngang magblush dyan! Sabi nya kaya napahawak naman ako sa cheek ko. Di nga? Nagbblush ba talaga ko? Dobol kahiyaaa. =_=

Shut up. Di ako marunong magblush noh! Nagconcentrate na lang ako sa pagddrawing nun. Kelangan magchange topic. Isip Cass. Isiiip. Teka..ano pala yung sinasabi mo kanina? Yung..beat ba yun or something? May breakaway pa nga eh.

Ah. Soccer terms.

So, soccer fan ka pala? Nagnod lang sya nun tapos tumingin ulit sa field. Eh, kasali ka ba sa team? Humindi sya without looking at me. Why not? You seem to know a lot pa naman.

It's just not that. Madaming factors.

Like? You look fit enough naman. Tsaka may height ka din.

Napangiti lang sya sa comment ko. Di naman basketball yung pinag-uusapn eh kaya di naman masyadong kino-consider yung height.

Ah. Ganun. Sori ah di ko naman alam. =_=





It's okay. People just don't really take the time to know me.