Laaaaaanncceeee!! Halos mabasag yung eardrums ko dahil sa sigaw nung dalawang bruha. Si Lance naman eh biglang nawala yung ngiti sa mukha nung pumulupot sa kanya yung dalawa.
Uh...hi? He said, still looking confused. The two screamed at the top of their lungs again while fanning themselves with their hands. JUSMIYO.
Lance looked like he didn't know what to do, kaya tinulungan ko na lang syang pakalmahin yung dalawa instead na kumaripas ako ng takbo away from them, from him most specially.
HOY! Denise! Jackie! I said, trying to pry their fingers off of Lance's arms. Linsyak na dalawa to oh! Ang higpit ng kapit. Tumigil na nga kayo. Nakakahiya yung ginagawa nyo. Hila pa rin ako ng hila sa kanila pero parang hindi yata nakabili ng hiya yung dalawa. NAMAN! San ko ba napulot ang mga kaibigan kong to?!?
Hey. You're ruining my uniform. Lance said, habang nakatingin sa polo nya na kinakapitan ni Jackie. Nahiya ng KONTI yung bakla kaya binitawan naman nya.
Grabe! Ang gwapo mo pala talaga sa malapitan! Ngayon lang kasi kita nakita ng ganito ka-close. Denise said, then intertwined her fingers. Halos magspark din yung mata nya nung sinabi nya yun.
Aaah...thanks. He tried to smile pero halata mong he still feels uneasy. Grabe naman kasi mangharass ang dalawang to. He looked at me then, as if asking for help.
GIRLS! PLEASE! STOP! You don't want to kill him, do you?! I said with full force at napatigil naman sila kaya binitawan na nila si Lance. Inayos nila yung mga sarili nila na parang demure na mga dalaga. GRABE. Ang bilis magpalit-anyo.
Sorry fafa Lance, na-excite lang kami masyado. Jackie said, apologetic. PLUS, sparkling eyes.
Uh...tingin ko nga.
Sorry pala sa mga kaibigan ko ah. Sabi ko naman at hinila yung dalawa palayo kay Lance. They didn't budge, mukhang finally eh tinablan na ng hiya.
Ok lang. He smiled reassuringly. I'm pretty sure kung hindi tayo nagkikita everyday, ganyan din ang magiging reaction mo sakin. My eyes must have dropped from their sockets with what he said.
Anong sab-
I'm afraid I can't stay longer para pag-usapan yung kanina. Maybe tomorrow will do.
Aba't talagang-
But still, it's nice meeting you. Denise. Jackie. Bye. He smiled again then started to leave. Yung dalawa naman eh halos humandusay na sa semento dahil sa `nice meeting you` ekek ni Lance samantalang ako eh inis na inis pa din sa `I'm pretty sure` chorva na sinabi nya. Sya na nga ang tinulungan kong makawala sa dalawang to, ako pa ang pagbibintangan na ganun din ang magiging reaksyon sa kanya. Ang KAPAAAALLL! Sana pala hinayaan ko na lang sya at tumakbo pauwi ng bahay.
I was so absorbed with my anger when he suddenly looked back then waved at me. See you tomorrow STALKER!
FEELING MO!!! I shouted back, pero tumawa lang sya. ARGH!! Ang weird na yon! Naku talaga! Masasakal ko yun!
cont...