I stepped into the familiar grounds of my high school, feeling the air of the new school year. For the past three years, I've been with the most amazing people in this school. Though we weren't the `famous` nor the `geeks` of the batch, we pretty much enjoy our stay here. But for this year - my senior year - everything is about to change. And it all started with...
Ang daya. Bakit ikaw lang nalipat sa section one? Denise pouted. Dapat kami din.
Hoy bakla ka. Feeling mo naman kasing level ng brain cells mo yung utak netong si Cass. Echuserang to. Jack - I mean Jackie said.
Heh! Ikaw kaya yung bakla dito. Umirap naman si Den na parang iritang-irita kay Jackie. Haha. Nakakatawa talaga tong dalawang to.
I'll surely miss you both. Wala ng intermission numbers na mang-aaliw sakin. Alam mo naman sa section one, puro libro kaharap ng mga yun.
Haynako teh. Basta mag-ingat ka na lang dun.
Mag-ingat? Baket? May rabies ba mga taga dun?
Ay. Bobits talaga to noh? Sabi naman sakin ni Jackie habang nakaturo kay Den.
Heh! Shut up ka na nga lang.
Tuloy-tuloy lang sa pag-aasaran yung dalawa hanggang sa magbell na. Naghiwalay na kami ng daan kasi nasa magkabilang dulo yung classrooms namin and besides, ayaw naman naming ma-late kaya mamayang break time na lang namin itutuloy yung chikahan namin.
Halos lahat ng students eh nagmamadali na non. Yung iba nga nagtatakbuhan na at ako naman eh binibilisan ko na lang yung lakad ko. Pag dating ko sa room, nagtinginan silang lahat sakin nung binuksan ko yung pinto. Wow ah. Grand entrance. Buti wala pa yung teacher. Ganito pala sa section one. Punctual lahat. Well uhm, almost.
I scanned the room, searching for a vacant seat. Napansin ko namang nagbubulungan yung ibang babae habang nakatingin sakin. Tss. Big deal na ba ngayon na may isang hamak na formerly eh taga section three na malipat sa top section? Ugh.
Pinabayaan ko na lang silang magchismisan dun at naupo na lang ako sa vacant seat na nakita ko malapit sa bintana, which is nasa last row. Just my luck. Forever alone yata ang drama ko dito.
Good morning class. Napatigil lahat nung may pumasok na teacher at nagsulat sa blackboard. I'm Miss Herrera, and I will be your Physics teacher.
Say what?! Umagang-umaga paduduguin kagad ni Miss yung utak ko. At teka, Miss? Eh mukhang nasa late forties na sya aah. Oh well. Bat ko ba pinoproblema ang lovelife nya. Eh ako din yata ganyan din ang magiging drama sa buhay. LOL. :P
Nagkwento naman si Miss tungkol sa sarili nya. How she was in high school, how she ended up as a teacher and other how how de carabao. Halos makatulog na nga ako sa kwento nya eh pero pinigilan ko naman kasi nakakahiya kaya pinagmasdan ko na lang yung mga classmates ko. May mga mukhang nerd talaga na may makakapal na eye glasses, meron ding mga palihim na nagbabasa ng Angels and Demons, may mga nagdadaldalan at meron din namang nakapalumbaba lang sa teacher namin. All in all, mukha naman silang normal lahat. Siguro nga wala talaga silang rabies. HAHAHA!
Let's start from the girl at the back. Nagtinginan na naman sakin yung mga classmates ko, pati si miss. Parang may hinihintay na ewan. Ako naman si walang alam eh napatayo na lang at sasagot na sana ng Miss I do not know the answer nang biglang nagsalita ulit sya. Introduce yourself.
Sus. Yun lang pala. Kala ko pa naman Define Physics na kagad yung tanong.
I'm Shanara Cassidy Lewis. I'm new to this class cuz during my third year, I was in the third section. So, I hope we'll get along just fine.
Yeah right. May narinig akong sumagot sa may unahan pero di ko na lang pinansin kasi ayoko makipag-away. Kasi alam mo na - and I'm taking back whatever I said earlier - baka may rabies nga to. HAHA.
Umupo na ko nun at tumingin na lang sa board. Hinayaan ko na lang silang mag-introduce dun kahit na alam ko namang halos magkakakilala na silang lahat. Halfway na yung natatapos sa mga classmates ko nung biglang bumukas yung pinto, as in wide open. Pumasok yung isang guy na naka ball cap, t-shirt at nakasampay yung polo nya sa left shoulder nya. Napatingin lahat sa kanya at may mga narinig pa kong nag giggle habang sya eh pangiti ngiti lang.
Lance Christopher Gonzales at your service ma'am! Nagsalute at nagmarch pa sya na parang sundalo. Eh?? Praning ba to?
Hi Lance! Dito ka na lang umupo sa tabi ko. Sabi nung babae sa harapan at pinaalis yung katabi nya. If I'm not mistaken, sya din yung girl na nagyeah right sakin kanina.
Nginitian lang sya nung Lance tapos diretso pa din sa pagmarch na parang sira. Gawd. Tama ba ko ng room na pinasukan? Eh mental ward yata to eeh.
Mr. Gonzales, please remove your cap and wear your uniform. Utos ni Miss at walang trace sa mukha nya na natutuwa sya kay Lance. Sumunod naman yung Lance at tinanggal yung cap nya. Medyo nagulo pa nga yung buhok nya non kaya inayos naman nya. . . yung pagkakagulo. HAHAHA!
Palingon lingon sya sa room at nagulat na lang ako nung napatingin sya sa direction ko at... Oh no. Please. Wag kang uupo sa tabi ko.
Baka may rabies ka din eeh!