Wednesday, June 9, 2010

Stellar 03

III. Master



The Indus Valley of Civilization is blah blah blah
I swear I tried to listen, pero sumusuko talaga ang tenga at utak ko tuwing Asian History(HI113). Di ko alam kung bakit pero since highschool, weakness ko na talaga ang subject na 'to. Anyways, it's been weeks after that fateful first day. Yung pinagpaguran kong ibalik sa tukmol na yun ang regform nya at yung akin naman eh TINAPON lang nya. Mygahd. Hanggang ngayon asar pa din ako dahil sa nangyari. Kinailangan ko pa tuloy ipa-reprocess yung regform ko kaya ayun, another payment na naman. Badtrip. Nagtitipid nga ako eh! Lol. Ang OA ko. Fifty pesos lang naman yung processing fee eh. :P At sa kamalas-malasan, may mga subjects ako na classmates kami. Kung ilan, wag nyo nang alamin. Manlulumo lang kayo.

Mr. Lee, no sleeping during my class! Yan ang palaging linya ni Ms. Hizon tuwing HI113 dahil sa tutulog-tulog na si Sky. At ang usual response lang ng lolo nyo eh magshrug tapos smirk. Tapos di na sya tatantanan ng nakakamatay na tingin ni Ms. Hizon hanggang magdismissal.

Tulog kasi ng tulog. Bulong ko pero alam ko namang narinig nya dahil tumingin sya sakin ng masama. Teka, nasabi ko na bang MAGKATABI kami ngayon dahil sa seating arrangement na ni-implement ni Miss? Ugh. Talk about bad luck.

Kesa naman mentally absent. Abat! Loko to ah. Hindi ko na nga lang pinansin dahil nonsense naman 'to kausap. Minsan na nga lang magsalita nang-aasar pa. Grrr.

--

Sali tayo sa UDC! Balita ko madaming hot guys dun eh! Sabi ni Mitch nung naglalakad kami sa may corridor. Dahil sa mabilis ang panahon, second week of July na ngayon, aka Recruitment Week. This is the time when different Recognized Student Organizations (RSO) are given the chance to recruit new members for their respective orgs. University-wide event to kaya madalas, irregular ang classes. Madaming food stalls na nakakalat sa field, may programs here and there & booths ng different orgs.

Eh? Drama Club kaya yun! Kelan ka pa nahilig sa actingan?

Didn't you hear what I said? Sabi ko madaming pogi dun kaya dapat sumali tayo dun! Ay! Ang ganda talaga ng reason ng babaeng to kahit kelan.

Alam mo Mitch, ang cute mo! Kung gusto mo sumali dun, ikaw na lang. Wag mo na 'kong ida--

Oops sorry. Sabi nung someone na nakabangga sakin. Kelangan ba talaga nababangga ako pag may bagong character sa story? Tss.

Okay lang. Sabi ko sabay tingin sa kanya. Dang he's cute!

I'm Blade btw. He said extending his hand.

Hi! I'm Michellina Vania Wright. Mitch na lang para close. She shook his hand & smiled bigtime! I nudged her but she seemed unaware of what I did. Ang babaeng to talaga! Pag nakakita ng pogi nawawala na lang bigla sa sarili.

Nice to meet you Mitch. You are? He fixed his gaze on me as he offered me his hand.

Cass. I replied shortly then accepted his hand. His hand brushed mine for a few more seconds than necessary. Uuuy! Lol.

Pleasure to meet you Cass. He smiled again then released my hand.

Umalis din naman si Blade dahil bigla syang tinawag nung kaibigan nya yata or whatsoever kaya ayun, dumiretso na lang ulit kami sa paglalakad hanggang sa may makita akong booth na dapat naming salihan.

I think I know now where we should join in. I said then walked towards the booth's place with Mitch behind me. We were greeted by the students when we came there, showing us their biggest encouraging smiles ever.

Hi classmates! IT kayo? The girl with a big headband asked. We nodded. Wow nice! Sali na kayo sa ECITS. She said, giving us a flier each. "Executive Council of Information Technology Students", it states. I continued reading their Organization information and other whatever while the girl with the headband introduced herself as Ate Nica - the vice-president and her other companions as well. Madali lang naman yung requirements para makasali sa org, andyan sa flier lahat. Tapos yung deadline ng passing of forms is on Friday, we'll schedule you na lang kung kelan kayo available and yung mag-i-interview sa inyo. Siniko ako ni Mitch nung marinig nya yung interview, nagsmirk lang naman ako sa kanya. Don't worry, chicken feed lang yun. Di naman kayo pagagawin ng program on-the-spot eh. Except na lang kung gusto nyo sa Academic Committee magmember. Hehe. Okay. That means I won't sign up sa AcadCom. nila para ligtas. So asahan namin kayo sa Friday ah? Pass your forms na lang sa office, IT bldg 3rd floor, right wing.

Yeah. Sure. I replied. Hindi naman siguro masamang magtry diba? Para din may extra-curricular ako at may iba naman akong makasama bukod dito sa loka-loka kong kaibigan. Haha.

Hala. Pano yan di ako- Tss. Sabi na nga ba magbaback out ang babaeng to eh. TATANGGI! Sasali talaga ko! Nyek?! Biglang nagbago isip? Hmm. Kaya naman pala. Biglang may dumating na pogi at umupo katabi nung isang lalaki.

Oh andyan na pala si master eh! Sabi nung `crush` ni Mitch sabay turo sa may likuran namin kaya napatingin naman kami. Wotda?!!







New applicants?




MASTER
daw?!